F&L. ;)

Ito ay isa ulit sa aking mga asignatura sa eskwela. Nais kong ilagay muna dito ang mga ito dahil sa isang partikular na rason na mamaya ko na bibigyang-diin.

1) Kahulugan ng saknong 197 and 200.

197:

Base sa saknong na ito, hindi dapat lumaki sa layaw ang isang bata. Ito ay mabibigyang-diin ng kantang eksakto sa mensaheng ipinapahiwatig nito. Ayon sa saknong mismo, at sa isang kantang magbibigay-diin sa mensaheng ipinapahiwatig nito ("Laki sa Layaw"), ang batang pinalaki na lahat ng gusto ay ibinibigay ay hindi matututo na makontento sa kanyang buhay at laging aasa sa ibinibigay ng magulang. Malamang, hindi nila makitaan ng kahalagahan ang mga bagay na tunay nilang kinakailangan at hindi lamang ang kanilang mga kagustuhan. Ayos lamang na pakitaan ng pagmamahal ng magulang ang anak ngunit bahagi dapat ng pagmamahal na iyon ang pagsiguro na lumaki ang bata na alam ang kaibahan ng kagustuhan sa kailangan at alam na ang magulang ay dapat respetuhin at sundin dahil sila ang mas nakakatanda at madalas ay mas nakaaalam ng mas mabuti para sa atinng mga anak.

200:

Ang saknong na ito ay tungkol sa pagkukumpara sa halamang lumaki sa tubig sa anak na lumaki sa layaw. Ang mga anak na hindi hinahayaang tumayo sa sari-sarili nilang mga paa, sa pamamagitan ng sukdulang pagbibigay ng lahat-lahat ng pangangailangan ng mga anak at ang paglalagay ng napakahigpit na bakod na pumipigil sa mga ito na lumaki ng may kasarinlan, masaktan lamang ng kaunti o magkaroon lamang ng maliit na problema ay hindi na ito kinakaya agad dahil hindi sila sinanay na lumutas sa kani-kanilang sariling problema na wala ang tulong ng magulang. Gayon din raw ang puso na tuwa lamang sanay. Hindi niya marahil kakayanin ang anumang dumapong kalungkutan o kailangang isakripisyo sa buhay niya dahil siya ay lumaki na puro kasiyahan lamang ang iniisip.

2) Sa panahong mayroon na akong sariling karera at trabaho, maipapakita ko ang pag-aaruga ko sa mga magulang kong retirado na sa pamamagitan ng mga paraang ito. Sila'y aking iintindihin kung sila ay magpakita man ng senyas ng pagtanda dahil sila rin ay nagsikap na ako ay intindihin nung ako ay bata pa. Nais kong makasama sila kahit sila'y tumanda na. Siguro ay parte ng aking pag-aalaga ko sa kanila ang kagustuhan kong bumili ng isang malawak na lote upang magkasama pa rin kami kahit ako'y magkaroon na ng aking sariling pamilya. Lagi kong ipapaalala sa kanila na andito ako at hinding-hindi ko sila iiwan. Lagi akong maglalaan ng oras para sa kanila. Ako mismo ang magbabantay sa kanilang kalusugan at kaligayahan. Susubukan kong mag-aral magluto upang kahit papaano ay masuklian ko naman ang hindi mabilang na beses na pagluluto't paghahain sa akin ng aking mga magulang. Nais ko rin na maglakbay sa mundo kasama sila upang makita naman nila ang kagandahan ng mundong ipinamulat nila sa akin simula pagkabata.

------------------

At dito na ako magtatapos ng aking maikling (? =))))) ) asignatura sa Filipino. :D

-TG

0 comments:

Post a Comment